Friday, April 17, 2020

Liwanag sa Dilim

Pag-asa.

Pag-asa na may hangganan ang sakit.
Pag-asa na pangarap ay makakamit.
Pag-asa na tatamis din ang lahat ng pait.


Mahirap panatilihin ang pag-asa sa puso natin kapag tayo ay bulag.
Bulag? Yung hindi nakakakita? Pero bakit patuloy pa rin silang namumuhay? Yung iba pa nga nakakapag trabaho pa.

Anong bulag ang tinutukoy ko?
Bulag ang mata ng puso. Yung hindi na makakita ng liwanag sa madilim na mundo.

Oo, madilim ang mundo. Nabalitaan mo na siguro. Lahat ng kasamaan, kahayupan at karumaldumal na nagaganap sa paligid mo. Pero sa loob-loob mo, alam mong hindi ito dapat nangyayari. May hustisya kang inaabangan. Ngunit ang hustisya, kanino mo iaasa?

Sa sariling mga kamay?
Sa mga kakilala mong nasa pwesto?
Sa mga taong may salapi?
O sa Diyos na tunay na maghuhusga sa huli?

Pero paano yan? Di ba't lahat tayo ay may kasalanan? Hustisya pa rin ba ng Diyos ang ating aasahan? Sigurado na ako ay mapaparusahan.

"Gumagawa naman ako ng mabuti sa kapwa. Nagbigay pa nga ako ng tulong sa nagugutom kahit alam kong ako'y nagugutom rin. Hindi pa ba sapat na kabayaran yun sa maliit na kasalanan? Nag sinungaling lang naman ako kanina. Napag-isipan ko lang naman gawan ng masama yung kasama ko, pero hindi ko naman ginawa. Sa isip lang. Sa salita lang. Pero hindi sa aking mga kamay."

Baka nalilimutan natin na ang Batas ng Diyos at ng tao ay hindi nababayaran ng maraming magandang gawain simula noong tayo'y isinilang. Ano lamang ang solusyon? May hatol na kabayaran. Kung sa batas ng tao ay iba-iba ito, ngunit sa Diyos, iisa lamang: kamatayan. Masyado bang mabigat? Oo, kasi ganoon Siya kabanal.

"Parang ayoko sa ganyang Diyos. Parang hindi ata makatarungan."

Yan ang naging unang kasalanan ng tao. Ang kagustuhan na magdikta kung ano ang tama at mali. Ang kagustuhan na yun ang ginamit ng kaaway para tayo ay malinlang at sumaway sa utos ng Diyos.

"Hindi naman ako ang kumain ng prutas ng puno ng kaalaman ng mabuti't masama."

Pero sa isip mo ba ay gusto mo ikaw ang magbigay ng hustisya sa iyong sarili at sa iyong kapwa?

"Eto dapat ang gawin!"
"Bakit ba hindi na lang ipamigay sa lahat yan?"
"Ikulong nyo yang mga taong pasaway!"

Oo, sa isipan mo lang. Pero minsan lumalabas sa bibig at sa mga kinikilos.


Ngunit paano tayo hihingi ng hustisya kung tayo mismo ang akusado?

Simulan natin sa pag-amin na tayo ay makasalanan rin.

Paano na yan? Lahat ba tayo'y hahantong sa kamatayan?

Eto ang mabuting balita: dumating ang Liwanag sa dilim.

Ang Diyos na Siyang huhusga ang Siya mismong nagbayad para sa kaparusahan.

Dahil sa pagmamahal sa mundo, ang Diyos Ama ang nagbigay sa atin ng Kanyang Anak upang ating maging Panginoon at Tagapagligtas.

Nagkatawang-tao ang Diyos, isinilang ng isang birhen at pinangalanang Hesus.

Namuhay Siya ng walang bahid ng kasalanan, sa isip, sa salita o sa gawa man.

Ang paggawa Niya ng mabuti ay dahil sa pagmamahal. Kahit yung mga mistulang pagsaway Niya sa mga bulag sa katotohanan ay dahil din sa pagmamahal. Maaaring nasaktan sila sapagka't nakakasilaw ang liwanag kapag sanay ka sa kadiliman.

Ang mga ayaw makakita ay hindi Niya pipilitin dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi ka gagawing alipin.

Ngunit gagawa Siya ng paraan para kahit papaano ay Siya'y mapakinggan at tayo'y maliwanagan, tanggapin man natin Siya o iwasan.

Dahil Diyos Siya, alam Niya kung sino ang mga maniniwala, pero binibigyan Niya tayong lahat ng pagkakataong makakita at makarinig ng paulit-ulit. Minsan siguro ay nagsasawa ka na, pero kahit kailan ay hindi Niya nagawang magsawang mahalin ka.

Dumating na nga ang panahon na humarap Siya sa nakakahiyang klase ng kamatayan, dahil Siya lang ang kayang magbayad ng ating kasalanan. Ipinalangin pa nga ni Hesus sa Diyos Ama na sana huwag na ituloy ang plano dahil sa hirap nito, ngunit pinili Niyang sumunod sa kalooban ng Diyos Ama at nagpatuloy.

Inakusahan Siya ng kamatayan kahit na Siya ay inosente. Dumaan Siya sa pinakamatinding pagdurusa.

Ang masakit pa rito ay ang mga taong tinulungan Niya ang sumisigaw na Siya ay ipako sa krus. Nadala sila lahat sa propaganda ng kalaban. Mas pinaniwalaan nila ang kasinungalingan. Ngunit ang hindi alam ng kalaban ay parte ito ng napagplanuhan. Ang plano na iligtas ang mga tao mula sa kaparusahan ng kasalanan: kamatayan.

Habang nakapako sa krus, ay hiniling Niya na tayo ay patawarin dahil hindi natin alam ang ating ginagawa. Dahil ito sa ating kabulagan sa katotohanan.

Bago Siya namatay, sinabi Niya: "Tapos na!"

Alin ang natapos na? Tapos na ang pagbabayad sa kaparusahan ng ating mga kasalanan.

Ibig sabihin ba nito ay malaya na akong gawin ang lahat ng aking naisin dahil hindi na ako mapaparusahan?

Alalahanin natin na sa pagtanggap natin kay Hesus na Tagapagligtas ay Siya ang naging Panginoon ng ating buhay. Sa tingin mo ba ay malulugod Siya sa balak mo gawin? Paano natin malalaman kung ano ang ikakalugod Niya? Basahin natin ang Kanyang Salita at atin itong gawin.

Ito ang tunay na kalayaan: ang kalayaan na gumawa ng mabuti dahil dati tayong alipin ng kadiliman.

At sa paggawa natin ng ikalulugod Niya, nagiging liwanag din tayo sa mundo.

Ang liwanag na ito ang pag-asa na inaasam ng lahat.

Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang lahat dahil kung mapapansin mo, marami pa ring namamatay sa pisikal at maaring tayo ay abutan pa rin nito.

Ito ang tunay na pag-asa na ating inaasam: ang mabuhay ng walang hanggan na walang sakit at may kaluguran. Naging posible ito dahil si Hesus ay nabuhay muli pagkatapos ng tatlong araw. Hindi lang kapawataran sa kasalanan ang Kanyang binigay, kundi pati na rin ang buhay na walang hanggan sa Kanyang kaharian.

Ang resureksyon ang tunay nating pag-asa. Hindi ito posible kung tayo ay hindi naniniwala. At hindi tayo maniniwala kung tayo ay hindi maliliwanagan ng Katotohanan.

Tayo ngayon ang magbabahagi ng liwanag sa dilim dahil sa Liwanag na ating tinanggap. Abutin natin ang bawat sulok ng madilim na mundo at ibahagi ang liwanag ni Hesus sa lahat ng mapupuntahan.

Sunday, November 26, 2017

The "Unprodigal" Son

Most people are familiar with the story of the prodigal son in Luke 15. But I want to give focus to the other son, or what I call the “unprodigal son”.

Luke 15:25-32 (ESV)
25 “Now his older son was in the field, and as he came and drew near to the house, he heard music and dancing. 26 And he called one of the servants and asked what these things meant. 27 And he said to him, ‘Your brother has come, and your father has killed the fattened calf, because he has received him back safe and sound.’ 28 But he was angry and refused to go in. His father came out and entreated him, 29 but he answered his father, ‘Look, these many years I have served you, and I never disobeyed your command, yet you never gave me a young goat, that I might celebrate with my friends. 30 But when this son of yours came, who has devoured your property with prostitutes, you killed the fattened calf for him!’ 31 And he said to him, ‘Son, you are always with me, and all that is mine is yours. 32 It was fitting to celebrate and be glad, for this your brother was dead, and is alive; he was lost, and is found.’”


If I were to describe this son, he was self-righteous, selfish, ungrateful and yet have an obedient and a servant heart. He was bitter at the happiness not just of his brother but also of his father. He had all the reason to rejoice, yet what he sees are things he did not receive.

He could have asked. But his younger brother did not even ask yet things were given to him. It’s not about the fattened calf or the ring or the other things that the “prodigal” son received, it’s actually the attention of the father. Or it might have been the things. A bitter heart causes us to disregard even the things that we already have. Jealousy will creep in like a dangerous disease.

The father was so generous to get out of his way to go out to his eldest son, the son who had been physically been with him all this time. The eldest son was there but his heart was not. 

How many times have we served in church or do ministry but our heart is not there?

This message is primarily for those who are Christians and have forgotten the joy of just being there in the presence of God and His people. If you are in that season of giving up, being bitter or plainly unjoyful, then it’s time to check our hearts and see where it is.

I don’t know what happened to that elder brother, but if I were him, I would have been reminded about my identity that I am a son and not a servant. My father’s favour does not lie on the sacrifices I make, but in the identity that he had already given me. I would not be bitter towards him nor towards the people he values. As I learn to love the person who taught me how to love, I would eventually see others the way he sees them and love them as well.